Ang Women’s Health Initiative (WHI) ay itinatag ng U.S. National Institutes of Health noong 1991 para pag-aralan ang kalusugan ng mga postmenopausal na babae. Kasama sa maraming isyung sinisiyasat ng pag-aaral ng pangkat na ito ay ang ugnayan sa pagitan ng terapiyang hormon at kanser sa suso, at ang mga epekto ng diyeta sa kanser at karamdaman sa puso. Kasama sa paggamit ng talc na bahagi ng WHI ang 61,576 na babae, 53 porsyento ng mga ito ang nagsabing gumamit sila ng pulbos sa kanilang mga ari, pasador, o diaphragm, ang ilan sa kanila ay ginawa ito sa loob ng 20 taon. Sinubaybayan ang mga babae sa pag-aaral na ito sa pagitan ng 1993 at 2012.
Ang data sa pag-araal ay walang ipinakitang pagtaas sa panganib ng pagkakaroon ng kanser sa obaryo sa mga babaeng gumamit ng pulbos na talc. Wala ring pagtaas sa panganib ng pagkakaroon nito sa mga babaeng gumamit ng pulbos sa loob ng mas mahahabang yugto ng panahon.6