Ang Nurses’ Health Study (NHS) ay ang pinakamalaking isinagawang pag-aaral sa kalusugan ng mga kababaihan. Tiningnan ng pag-aaral ng pangkat na ito na pinondohan ng pamahalaan ng U.S. ang mga salik ng panganib para sa mga pangunahing sakit na di gumaling-galing sa mga kababaihan simula pa noong 1976. Kasama ang maraming iba pang pagtatagumpay, nakatulong ang pananaliksik mula sa NHS na mailahad ang ugnayan sa pagitan ng paninigarilyo at mga karamdaman sa puso sa mga kababaihan, at bunsod nito, nagkaroon ng mga pagsulong sa mga terapiyang hormon para sa paggamot sa kanser sa suso.
Kabilang sa paggamit ng talc na bahagi ng NHS ang 78,630 mga babaeng sinubaybayan nang umaabot sa 24 na taon sa kabuuan.4,5 Tinanong sa kanila kung nakagamit ba sila ng pulbos na talcum sa kanilang ari o sa mga pasador. Humigit-kumulang 40 porsyento ng mga kababaihan ang sumagot ng oo at isinama sa pangkat na gumagamit ng talc.4,5
Ang data sa pag-araal ay walang ipinakitang pagtaas sa pangkalahatang rate ng pagkakaroon ng kanser sa obaryo sa mga gumagamit ng talc, gaano man sila kadalas na gumagamit ng talc. Walang pagkakaiba sa rate ng pagkakaroon ng kanser sa obaryo sa mga babaeng direktang ginagamit ang pulbos sa kanilang mga katawan o sa mga produktong pasador.4,5