Gumawa ng ilang epidemiologic na pag-aaral sa mga minero at manggigiling ng talc—mga indibidwal na nalantad sa matataas na antas ng talc araw-araw bilang bahagi ng mga trabaho nila. Hindi nagbabagong ipinakita ng mga pag-aaral na ito na ang pagkalantad sa matataas na antas ng kosmetikong talc ay hindi nagpapataas ng peligro ng mesothelioma.
Nagpakita ang mga epidemiologic na pag-aaral sa mga minero at manggigiling sa isang Italyanong minahan ng kosmetikong talc na ginamit ng Johnson & Johnson na walang dagdag na peligro ng mesothelioma sa mga trabahador na ito. Mahigit sa isang libong Italyanong minero at manggigiling ng kosmetikong talc ay sinubaybayan sa apat na magkakahiwalay na pag-aaral na nilathala sa pagitan ng 1976 at 2017. Wala sa mga trabahador na ito ang nagkaroon ng mesothelioma.
Ang ibang mga epidemiologic na pag-aaral sa mga trabahador sa kosmetikong talc sa Austria, France, at Norway ay wala ring ipinakitang dagdag na peligro ng mesothelioma sa mga minero at manggigiling. Ang totoo ay wala sa mga trabahador ng talc na inaral sa mga lokasyong ito ang nagkaroon ng mesothelioma.
Nagsagawa ang NIOSH at OSHA ng pag-aaral sa mga minero at manggigiling ng talc sa Vermont sa 1979 at walang naiulat na mga mesothelioma sa mga indibidwal na nagtatrabaho sa mga minahan at gilingang ito. Noong Setyembre 2019, isang hiwalay na pangkat ng mga mananaliksik ang naglathala ng update sa mga minero at manggigiling sa Vermont, sinubaybayan ang mga minero at manggigiling ng karagdagang 37 taon. Ang pinalawak na 2019 na pag-aaral ay nakatukoy ng isang kaso ng mesothelioma; subalit, tinukoy sa death certificate ng taong ito na nalantad siya sa asbestos. Siya rin ay empleyado pa lang nang mas mababa sa limang taon bilang trabahador sa talc. Isinaad sa 2019 pag-aaral na walang dagdag na peligro ng mesothelioma sa mga minero at manggigiling sa Vermont.