Mga Pag-aaral sa Talc at Kanser sa Obaryo
Saliksikin ang Siyensya
Mga Pag-aaral sa Talc at Kanser sa Obaryo
Ang Nurses’ Health Study (NHS) ay ang pinakamalaking isinagawang pag-aaral sa kalusugan ng mga kababaihan. Tiningnan ng pag-aaral ng pangkat na ito na pinondohan ng pamahalaan ng U.S. ang mga salik ng panganib para sa mga pangunahing sakit na di gumaling-galing sa mga kababaihan simula pa noong 1976.

Ang Nurses’ Health Study

Nagpakita na walang pangkalahatang pagtaas

sa panganib ng pagkakaroon ng kanser sa obaryo
24
taon na pag-aaral
sa
78,630
sa Kababaihan
31,789
na gumamit ng talc
Ang Women’s Health Initiative (WHI) ay itinatag ng U.S. National Institutes of Health noong 1991 para pag-aralan ang kalusugan ng mga postmenopausal na babae. Kasama sa maraming isyung sinisiyasat ng pag-aaral ng pangkat na ito ay ang ugnayan sa pagitan ng terapiyang hormon at kanser sa suso, at ang mga epekto ng diyeta sa kanser at karamdaman sa puso.

Ang Pag-aaral ng Women’s Health Initiative

Nagpakita na walang pangkalahatang pagtaas

sa panganib ng pagkakaroon ng kanser sa obaryo
12
taon na pag-aaral
sa
61,576
kababaihan
32,219
na gumamit ng talc
Ang Sister Study na isinagawa mula 2003-2009 sa tulong ng National Institutes of Health at National Institute of Environmental Health Sciences ay isang napakahalagang pagsisikap sa pananaliksik para mahanap ang mga sanhi ng kanser sa suso.

Ang Sister Study

Nagpakita na walang pangkalahatang pagtaas

sa panganib ng pagkakaroon ng kanser sa obaryo
6
taon na pag-aaral
sa
41,654
kababaihan
5,735
na gumamit ng talc

Iba Pang Pag-aaral

The most recent cohort study, published in the Journal of the American Medical Association, pooled a number of high-level epidemiological studies and found no statistically significant increased risk of ovarian cancer with talc use.9 The study reconfirms that a statistical association between ovarian cancer and powder users is not found in large, prospective cohort studies, although some, but not all, case-control studies do indicate a slight statistical association. Ang mga pag-aaral na kontrolado ang kaso ay ang mga pag-aaral kung saan tinatanong tungkol sa iba’t ibang posibleng salik ng panganib ang mga pangkat ng mga taong dati nang nagkaroon ng partikular na karamdaman. Maaaring kasama sa mga salik ng panganib na ito ang paggamit nila dati ng ilang partikular na produkto. Ang isang potensyal na dahilan na nahanapan ng ilan ng kaunting estadistikang pagkakaugnay ay ang potensyal na pagkakaroon ng labis na pagtatantya sa tunay na pagkakaugnay dahil sa “recall bias.” Ang recall bias ay kapag mas malamang na labis na tantyahin ng mga taong may karamdaman ang kanilang pagkalantad sa mga salik ng panganib na ito kaysa sa mga taong walang karamdaman. Sa mga pag-aaral na ito, sisikaping alalahanin ng mga babaeng alam na mayroon silang kanser sa obaryo ang kahit na anong maaaring mahalaga para maipaliwanag kung bakit sila nagkaroon ng ganitong malubhang karamdaman na maaaring artipisyal na magpalabas na ang mga babaeng may kanser ay gumamit ng mas maraming pulbos na talcum.8

Mga Pag-aaral sa Talc at Mesothelioma
Ang mesothelioma ay isang pambihirang anyo ng kanser na may ilang uri. Naiugnay ang pagkalantad sa asbestos sa ilang partikular na uri ng mesothelioma. Ang asbestos ay isang mineral na likas na nalilikha na nahahanap sa kalikasan at may kaunting fiber nito sa paligid natin – sa hanging nalalanghap natin, iniinom na tubig, lupa, at ilang pagkain.

Walang matinong siyentipikong pag-aaral na nagsasaad na nagdudulot ng mesothelioma ang paglanghap ng kosmetikong talc.
May ilang mga pag-aaral sa libu-libong tao na araw-araw na nailantad sa talc —dahil sa kanilang pagmimina at paggigiling ng pulbos na talc. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ito na ang pagkalantad sa matataas na antas ng talc ay hindi nagdaragdag sa peligrong magkaroon ang tao ng mesothelioma.

Mga Pag-aaral sa Mga Minero at Manggigiling

Walang dagdag na peligro ng mesothelioma
2,149
minero at manggigiling na nalalantad sa talc araw-araw
na pinag-aralan nang mahigit
40
taon

Ginagamit ang talc para mabawasan ang pagkakaipon ng likido sa baga

Nakakatulong sa mga baga ang isang medikal na pamamaraan na tinatawag na pleurodesis na dumikit sa chest wall para mapanatiling nakalobo ang bumigay na mga baga o maiwasang maipon ang likido sa paligid ng baga.

Sa ilang sitwasyon, direktang itinuturok ang talc sa lining ng mga baga para maiwasan ang pagkakaipon ng likido. Maraming ulat ng mga pasyente ang nagpapakita na mula sa daan-daang pasyenteng sumailalim sa pamamaraang ito sa loob ng maraming taon, walang naging kaso ng mesothelioma.

Nakatuklas ng

0

kaso ng mesothelioma
mahigit sa
300
pasyente
na pinag-aralan nang mahigit
14-40
taon
Powered by Translations.com GlobalLink OneLink Software