
Tungkol sa Pulbos na Talc
-
Ano ang pulbos na talcum?
Ang pulbos na talc ay ang pininong anyong pulbos ng pinakamalambot na mineral sa mundo: talc. Ang talc ay isang sangkap na “hindi buhay,” ibig sabihin ay hindi ito lumilikha ng kemikal na reaksyon kapag nakain o ginamit sa balat. Ginagamit ng mga tao ang pagiging likas na makinis, kasiguraduhan at kaligtasan, at pagiging absorbent nito mula pa noong sinaunang panahon sa Egypt.1Saan nagmumula ang talc?
Nahahanap ang talc sa mga sedimento ng bato sa buong mundo at minimina ito gaya ng maraming iba pang mineral. Ang talc lang na may gradong naaangkop sa parmasyutiko ang ginagamit sa aming baby powder.Paano ginagawa ang pulbos na talc?
Kapag nakuha na ito mula sa lupa, bahagyang dinudurog at pinagbubukud-bukod ang talc at nagtatalaga rito ng grado. Pagkatapos ay ginigiling ang talc na ore na nakakatugon sa aming mga pamantayan hanggang sa maging pulbo at ito ay sinusuri para sa sukat ng sambutil at kinukumpirmang nakakatugon sa mga kinakailangan ng Johnson & Johnson sa pagiging puro.
Ligtas ang Talc
Daan-daang taon nang ginagamit ang talc.
Ang talc ay mas karaniwan pa kaysa sa naiisip mo.
Ligtas ang talc.
Hindi nagdudulot ng kanser ang talc.
Mga Dekada ng Kasiguraduhan at Kaligtasan
Patuloy kaming gumagamit ng talc sa aming mga produkto dahil maraming dekada nang muling napatunayan ng siyensya ang kasiguraduhan at kaligtasan nito. Malaking responsibilidad ang pinanghahawakan namin sa inyong pagtitiwala sa Mga Produkto ng Johnson’s Baby at sa inyong kumpiyansa sa paggamit ng mga ito – kaya naman ang ginagamit lang namin ay mga sangkap na itinuturing ng pinakabagong agham na ligtas gamitin.
Patuloy na sinusuportahan ng pananaliksik, katibayang pangklinikal, at mahigit 40 taong pag-aaral ng mga dalubhasang medikal sa buong mundo ang kasiguraduhan at kaligtasan ng kosmetikong talc. Sinuri na ng mga kapamahalaan ng pangkalusugan sa buong mundo ang data sa talc at ginagamit ito sa buong mundo.
Sa kabila ng mahabang kasaysayan ng ligtas na paggamit ng talc sa mga produkto ng mamimili, itinatanong ng ilan kung tumataas ba ang panganib ng pagkakaroon ng kanser ng isang tao kapag gumamit ng pulbos na talc. Nagkaroon ng mga katanungan kamakailan kung nakontamina ba ng asbestos ang talc na ginagamit sa mga produkto ng mamimili. Ang bigat ng siyentipikong ebidensya ay walang sinusuportahang anumang pahayag na ang aming mga talc na produkto ay nagdudulot ng kanser.
Paulit-ulit na nakumpirma ng libu-libong pagsusuri na walang asbestos ang aming mga talc na produkto ng mamimili. Nagmumula ang aming talc sa mga pinagkukunan ng ore na kinumpirmang nakakatugon sa aming mahihigpit na pamantayan. Hindi lang regular na sinusuri ang aming talc para matiyak na walang asbestos ito, ang aming talc ay sinuri at kinumpirma rin na walang asbestos ng hanay ng mga independiente na laboratoryo at unibersidad.

-
Mga Sanggunian
-
- Industrial Minerals Association. “What is Talc.” http://www.ima-na.org/?page=what_is_talc
- EARTH magazine. Mineral Resource of the Month. http://www.earthmagazine.org/article/mineral-resource-month-talc
- Geology.com. Talc: The Softest Mineral. http://geology.com/minerals/talc.shtml
- Gertig, Prospective Study of Talc Use and Ovarian Cancer, Journal of the National Cancer Institute, Nurses Health Study. http://jnci.oxfordjournals.org/content/92/3/249.full
- Gates, Risk Factors for Epithelial Ovarian Cancer by Histologic Subtype, American Journal of Epidemiology. http://aje.oxfordjournals.org/content/171/1/45.full
- Houghton, Perineal Powder Use and Risk of Ovarian Cancer, Journal of the National Cancer Institute, Women’s Health Initiative. http://jnci.oxfordjournals.org/content/106/9/dju208.full
- Gonzalez, Douching, Talc Use and Risk of Ovarian Cancer, Epidemiology. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/27327020
- Cancer.org. Talcum Powder and Cancer.http://www.cancer.org/cancer/cancercauses/othercarcinogens/athome/talcum-powder-and-cancer
- O’Brien, Tworoger, Harris, et al., Association of Powder Use in the Genital Area With Risk of Ovarian Cancer. https://jamanetwork.com/journals/jama/article-abstract/2758452