Ipinapakita ng Mga Pag-aaral na Ligtas ang Paggamit ng Aming Talc
Napag-alaman ng pinakamaaasahang mga siyentipikong pag-aaral na ligtas gamitin ang mga pulbos na talc na produkto ng Johnson & Johnson, kabilang ang Johnson’s Baby Powder at ang nauna nitong produkto na Shower to Shower.
Kanser sa Obaryo: Four major independent cohort studies that followed more than 80,000 women who used talcum powder over a period of at least 6 to 24 years to determine if talcum powder use for feminine hygiene causes ovarian cancer concluded that the use of talc is not associated with increased risk of ovarian cancer. Isang lubos na katanggap-tanggap at maaasahang paraan ang prospektibong pag-aaral ng pangkat para masiyasat kung may pagkakaugnay ang paggamit ng o pagkalantad sa isang produkto at isang karamdaman. Sa ganitong uri ng pag-aaral, may mga itinatanong sa mga grupo ng mga tao tungkol sa iba’t ibang posibleng salik ng panganib, kabilang ang paggamit ng ilang partikular na produkto, at pagkatapos ay sinusubaybayan sila sa loob ng yugto ng panahon para mangolekta ng nauugnay na data. Cohort studies have helped scientists understand the link between smoking and lung cancer, high cholesterol and heart disease, and many other health topics we consider common knowledge today.The most recent cohort study, published in the Journal of the American Medical Association, pooled a number of these high-level epidemiological studies and found no statistically significant increased risk of ovarian cancer with talc use.
Ang ilang pag-aaral na tinatawag na mga pag-aaral na kontrolado ang kaso ay nagpakita ng maliit na estadistikang pagkakaugnay sa pagitan ng kanser sa obaryo at paggamit ng talc, habang walang naipakitang pagkakaugnay sa pagitan ng paggamit ng talc at kanser sa obaryo ang iba pang pag-aaral na kontrolado ang kaso na may katulad na disenyo. Nagdududa ang mga eksperto sa mga pag-aaral na kontrolado ang kaso dahil paiba-iba ang mga resulta, at kapag nagpapakita ng mga positibong resulta ang mga pag-aaral na ito, maaaring ito ay dahil sa mga limitasyon ng disenyo ng pag-aaral. Kasama sa mga limitasyon ng mga pag-aaral na ito ang “recall bias” na nangyayari kapag mas malamang na maalala ng mga taong may karamdaman ang mga bagay sa kanilang nakaraan kumpara sa mga taong walang karamdaman. Sa mga pag-aaral na kontrolado ang kaso na ito, alam ng mga babae na mayroon silang kanser sa obaryo, kaya sisikapin nilang alalahanin ang kahit na anong bagay na maaaring mahalaga sa kung bakit sila mayroong ganitong malubhang karamdaman. Maaaring nitong palabasin sa artipisyal na paraan na ang mga babaeng may kanser ay gumamit ng mas maraming pulbos na talc, na sa katunayan ay mas naaalala nila ang kanilang mga kagawian sa feminine hygiene sa paglipas ng mga taon. Itinuturing na mas maaasahan ang malalaki at prospektibong pag-aaral at ang isa sa mga dahilan nito ay walang babaeng may alam na magkakaroon siya ng kanser sa obaryo sa kalaunan—kaya hindi siya magkakaroon ng anumang recall bias, at sa pangkalahatan ay walang nahanap na pagkakaugnay sa pagitan ng pulbos na talc at kanser sa obaryo sa mga pag-aaral na ito.
Mesothelioma: Ang mesothelioma ay isang uri ng kanser na pangunahing nauugnay sa pagkalantad sa asbestos. Ang asbestos ay isang likas na nabubuong mineral na nahahanap sa kapaligiran, at ang maliliit na bahagi ng mga fiber nito ay matatagpuan saanman sa hangin.
Walang matinong siyentipikong pag-aaral na nagsasaad na nagdudulot ng mesothelioma ang paglanghap ng kosmetikong talc. Sa katunayan, ipinapakita ng ilang mga pag-aaral sa libu-libong tao na araw-araw na nailantad sa talc—dahil sa kanilang pagmimina at paggigiling ng pulbos na talc—na ang pagkalantad sa matataas na antas ng talc ay hindi nagpapataas sa peligro na ang tao ay magkaroon ng mesothelioma.
Dagdag pa rito, napag-alaman sa malalaking ulat sa mga pasyenteng sumailalim sa isang medikal na pamamaraan na tinatawag na talc pleurodesis—kung saan aktwal na itinuturok ang talc sa kanilang mga baga—na walang pasyenteng nagkaroon ng mesothelioma.